Local News

Coco Martin, Tatakbong Senador? Columnist, may ibinunyag!

Sa artikulong isinulat ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Lito Banayo sa Manila Standard, ibinunyag niya na may plano umano si ABS-CBN actor Coco Martin na pumasok sa mundo ng pulitika.

Ayon daw sa kanyang source, inuudyukan umano si Martin ng mga kaibigan nito na tumakbo sa pagiging alkalde sa 2022, pero noong nakipagpulong ito kay Senador Lito Lapid ay pinayuhan daw ito na hangarin ang pagiging senador dahil mas madali daw ang trabaho ng mambabatas.

Magugunita na nitong mga nagdaang araw ay bumisita nga si Martin kay Senador Lapid sa senado. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, pinag-usapan daw ng dalawa kung paano bibigyan ng bagong twist ang pagbabalik-taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano”. Nagpayo din daw si Lapid kay Martin tungkol sa pagharap nito sa mga batikos.

Si Lapid ay naging parte ng programa ni Martin at gumanap sa papel bilang “Ang Pinuno” bago ito tumakbo sa pagka-senador noong 2019 elections.

Magugunita na naging laman ng social media si Coco martin matapos itong maglabas ng sama ng loob sa gobyerno dahil sa pagpapatigil sa ABS-CBN na umere. Matatandaang naglabas ang National Telecommunication Commission (NTC) ng direktiba sa Kpamilya network na huminto sa operasyon dahil sa pagkapaso ng legislative franchise nito.

“Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko. Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag na panatag na ang kalooban niyo. Sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan sa mga puso ninyo. Mahirap magsawalang-kibo sa mga taong katulad ninyo na patuloy na nang-aabuso. Wala kayong mga konsensiya, naatim niyong pagkaitan ng hanapbuhay at pabayaang magutom ang ilang libong mga pamilya! Lalo lang lulubog sa kahirapan ang mga Pilipino! Ito ba ang serbisyo niyo sa bayan?

Hindi ako mangingiming sabihin ang totoong nararandaman ko ngayon. Sa mga taong tulad niyo na hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan! Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung anong sasabihin ng ibang tao. Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada! Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan!

TINATARANTADO NINYO ANG MGA PILIPINO!!!” sabi ni Martin.

Source: Manila Standard | Archive | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: