Local News

Colmenares, Pinagtawanan ang mga Granada at Baril na Nasabat sa Bahay ng Umano’y Organizer ng Labor Group!

Matataas na kalibre ng baril at mga pampasabog ang tumambad sa operatiba ng CIDG-NCR nang salakayin nila ang isang bahay sa Brgy. Market Area sa Sta. Rosa Laguna sa bisa ng isang search warrant. Target ng nasabing operasyon si Maritess Santos David alyas ‘Teacher Laly’, organizer umano ng isang labor group sa Calabarzon, ayon sa ulat ng GMA News.

Batay sa pulisya, nahalughog sa kisame ng nabanggit na bahay na sinalakay ng mga awtoridad ang isang M1 cal. 30 carbine; isang M2 cal.30 automatic carbine; isang Bushmaster rifle; isang M16 ELISCO Rifle; tatlong Cal .45 Pistola; mga bala, 9 na 40mm na granada; mga kemikal na sangkap sa paggawa ng bomba; isang laptop, at ilang dokumento.

“Miyembro po sila ng ‘Alyansa ng mga Manggagawa sa Engklabo’,”saad ni CIDG-NCR Chief Col. Randy Glenn Silvio.

“Mga Intelligence Units po natin, na-verify po at na-validate na dito po nga nila tinatago at dito po, makikita niyo sa mga dokumento, dito rin sila gumagawa before ng rally, dito sila nagpi-print ng mga flags. Ginagawa na pala pong imbakan ng mga armas. Dito po nagpupulung-pulong ‘yung mga grupo ‘pag meron silang aktibidades, [activities], at nagpaplano kung may rally at kung ano pa pong activities na ginagawa nila,” saad pa ni Silvio.

Ayon pa sa CIDG, ang mga nasamsam na armas ay gamit din daw ng grupo laban sa pwersa ng pamahalaan.

“Pag pag-ooperate ‘yung mga sparrow, makikita natin, merong mga silencer ‘yung mga gagamitin nila sa government forces natin para mag-liquidate,” saad ni Silvio.

Samantala, sa gilid naman ng bahay ay nakita umano ang samu’t saring rally paraphernalia gaya ng streamers at placards. Ilan sa mga ito ay may pangalan ng Bayan Muna party list, Kadamay Southern Tagalog, Anakpawis at iba pa. May natagpuan din umanong mga lumang campaign poster ni dating Bayan Muna party list representative Neri Colmenares at ni dating Senador Bam Aquino.

Kinondena naman ng grupong Kilusang Mayo Uno ang nasabing raid at anila’y itinanim daw ng mga pulis ang mga armas at pampasabog na nakuha sa lugar.

Samantala, iginiit naman umano ni Colmenares na wala raw armas ang aktibistang grupong nagsusulong ng karapatan ng mga mangagagawa at bumabatikos kay Pangulong Duterte, Ayon pa kay Colmenares, katawa-tawa umano ang mga nakuhang armas at pampasabog at hindi raw tatayong ebidensiya sa korte ang mga ito.

Source:
GMA News
Remate Online

Leave a Reply

Theme by Anders Norén