Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

“Pag-Baog, ‘Di na ba Babae?” Comedian Vice Ganda, Bumanat kay Sotto tungkol sa Transgender Issue!

Hindi nagustuhan ng komedyanteng si Vice Ganda ang naging pahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto ukol sa konsepto ng pagiging tunay na babae.

Kamakailan lang ay sinabi ni Sotto na ang transwomen ay hindi magiging totoong babae kahit anong gawin ng mga ito. Hindi daw kasi kayang magbuntis o magsilang ng sanggol ang mga transwomen, paliwanag ng senador.

“If you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce. You cannot give birth, you do not have ovaries. You will never be a woman. So this, to me, the SOGIE bill is a bill against women’s rights,” sabi ni Sotto.

Sa kanyang social media account, naglabas ng sama ng loob si Vice Ganda at sinubukang kontrahin ang sinabi ni Sotto.

“Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto? inasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak?” boladas ni Vice.

Kaakibat ng kanyang social media post ay ang mga tanong tungkol sa mga babaeng walang kakayahan mag-anak at piniling huwag mag-anak.

“E paano po yung mga nagkaroon ng matinding karamdaman at tinanggalan ng obaryo? Di na po ba sila BABAE? Wala na ba silang karapatang tawaging BABAE? O bumaba na ba ang uri ng kanilang PAGKAKABABAE? Paano din po yung mga baog at walang kakayahang magka-anak? Ano po sila? Di na din sila BABAE? Mga wala na ba silang kwentang mga BABAE?… At paano naman po yung mga BABAENG choice nila na wag mag-anak dahil ayaw nila dahil sa kanilang mga personal na rason? Di na din ba sila matatawag na BABAE? Paano din po yung mga BABAE na may obaryo pero pinayuhang wag magbuntis dahil sa medikal na kondisyon at maaring mameligro ang kanilang buhay? Di na din sila BABAE? Ano na po sila? Paano din po yung mga BABAENG may obaryo pero wala pang anak dahil ayaw naman nilang magpatira kung kani kanino? Ano na sila?” ani Vice.

Angal pa ni Vice, sinusubakan daw maliitin ni Sotto ang konsepto ng pagiging transgender.

“Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE. Paumanhin po HON. SENATE PRESIDENT Sotto. Pero i believe this statement is just not fair. There are people who pretend to be FEMINISTS to hide their being MISOGYNISTS,”

Source: ABS-CBN | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén