Local News

Comelec Commissioner, Suportado si Angel Locsin para Senador!

Para kay Commission on Election (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon, mananalo si Angel Locsin bilang senador kung sakaling pasukin nito ang mundo ng politiko. Ayon sa opisyal ng COMELEC, “tatak bisaya” si Locsin.

“In my opinion, if Angel Locsin runs for Senator , she can win . Tatak Bisaya, Ilongga. Courageous, bright and with a sincere heart.” ani Guanzon.

Umani naman ng sari-saring reaksyon ang naging social media post ni Guanzon. Dinepensahan din ng COMELEC official si Locsin sa mga netizens na kumukuwestiyon sa abilidad ni Locsin para maging senador. Ayon kay GUanzon, ang importante daw ay may puso si Locsin para sa mga tao.

“Kaya ni @143redangel yan, yong mga Lalake nga nag Senator e. Bakit babae hindi puede ? She will hire bright lawyers to help he,” kuda ni Guanzon.

“Maraming lawyers na hindi naman magaling at honest na Mambabatas. Kailangan natin yong walang personal interest . Bayan ang sa puso.” dagdag pa ni Guanzon.

Si Locsin ay isa lang sa mga artistang nai-uugnay ngayon sa politika. Magugunita nitong mga nakaraang linggo ay lumabas ang mga ulat na papasukin umano ni “Ang Probinsyano” star Coco Martin ang senado.

Source: Pep | Abogado | Lionheart

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: