Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

CPP-NPA Leader Joma Sison, IpinaARESTO na ng Korte!

Naglabas na ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 32 ng warrant of arrest laban kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairperson Jose Maria “Joma” Sison at 37 pang iba. Ang warrant ay may petsang Agosto 28, 2019.

Ang arrest warrant na inisyu ni presiding Judge Thelma Bunyi-Medina ay kaugnay sa malawakang pamamasalang na tinaguriang Inopacan massacre o “Oplan Venereal Disease” na pinamunuan ng New People’s Army (NPA) noong 1980s. Sa ginawang karumal-dumal na krimen ng NPA, daan-daang biktima ang pinaslang ng grupo sa Leyte.

Ilan pa sa mga personalidad na kasama sa arrest warrant ay ang asawa ni Sison na si Juliet, Armando Guerrero, Armando Liwanag, at mga dating National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace negotiators.

Walang inirekomenda na piyansa para sa mga akusado.

Patuloy na humihingi ng katarungan ang mga kaanak ng mga biktima ng rebeldeng komunista. Ayon sa mga ulat, pinaghinalaan lang daw ng mga NPA na konektado sa militar ang mga biktima kaya pinaslang ang mga ito.

Base sa tantsa ng mga dating rebelde at mga kapamilya ng mga biktima, aabot daw sa higit 300 ang pinaslang ng NPA.

Ang CPP-NPA ay itinuturing na terrorist organization ng Estados Unidos ng Amerika, United Kingdom, Canada, Australia, European Union, Canada at ng Pilipinas.

Nitong Agosto ay naging mainit na usapin ang patungkol sa recruitment ng NPA sa mga eskwelahan matapos isumbong ng mga magulang sa otoridad ang “pagkakawala” ng kanilang mga anak matapos sumapi sa leftist group na Anakbayan.

Basahin ang naging reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa bagong kaganapan sa buhay ni Sison.

“Yes! Ask Netherlands for extradition and if not, let’s ask interpol! That guy, Joma, is not politically persecuted as the left would see him to be but a leader of a terrorist group!” sabi ni G. Enrique.

“nakakulong na dati yan kung bakit pinalaya pa no cory. magpahanggang ngaun problema pa rin ang hindot na yan,” sabi ni A. Naperi.

Source: Tribune | PNA | FB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén