Local News

Cong. Atienza, Pinatitigil ang Congress Hearing ukol sa Alegasyon Utang ng Lopez sa DBP!

Ipinahihinto ni Congressman Lito Atienza ang pagdinig sa kongreso ukol sa diumano’y utang ng Pamilya Lopez sa Development Bank of the Philippines (DBP). Ayon kay Atienza, walang saysay na ipagpatuloy ang imbestigasyon kung wala naman kongkretong ebidensiya na nagpapatunay na hindi siningil ng DBP ang mga Lopez. Nakabase lang daw sa alegasyon ang imbestigasyon.

“Otherwise, if you are asking the DBP to produce papers which will be detrimental to them, I think that is a dream, a vision. That is unfair to say the least. We’re asking them to penalize themselves. Kung meron tayong pruweba, ituloy natin. Kung wala naman tayong pruweba, huwag naman natin aksayahin ang panahon ng Kongreso sa mga allegations na wala naman dokumento… I am now speaking as an officer of the 18th Congress kung ang mga nag-a-alleged ay based on their own conjecture and they have nothing to prove, bring in this committee, and bring to this Congress. I would suggest that they should be required–produce your papers of irregularity for this committee to continue deliberating on it–and for the plenary to even take whatever comes out of this committee… At this point in time, I rest my case. Having (elicited) from the DBP officers, there is nothing irregular in the exercise of the SPV and the seller or the owner of the document do not make money in the transaction. Kung meron gumagawa ng pera dito, ‘yung bumibili, Now rightfully because they have the capital and that’s their business to make money out of financial transaction. Pero ang DBP hindi rin naging… kumita dito dahilang nangyari binenta nila ‘yung pagkaka-utang sa kanila, sinalo naman ng mas mayamang financing institution,” boladas ni Atienza.

Ang Pamilya Lopez ang may-ari ng ABS-CBN na noong nakaraang taon ay tinanggal sa ere dahil sa kawalan ng prangkisa.

Isa si Atienza sa mga mambabatas na umangal noong hindi nabigyan ng prangkisa ang nasabing istasyon. Nang magpalit ng liderato sa kongreso at naging deputy speaker, isinusulong ni Atienza ang pagkakaroon ng prangkisa ng ABS-CBN.

Source: Daily Tribune

Leave a Reply

Theme by Anders Norén