Local News

Cong. Atienza, Tutulungan ang Janitress na Makahanap ng Maayos na Trabaho!

Gustong tulungan ni Buhay Party-list Congressman Lito Atienza ang janitress na si Chayra Ganal na makahanap ng bagong hanapbuhay matapos mapaulat na nawalan itong ng trabaho nang pigilan ang transgender na si Gretchen Diez na gumait ng palikuran na pambabae.

Sa isang post, pinuri ni Atienza ang paggamit ni Ganal ng “common sense” sa pagpigil sa transgender na gumamit ng female restroom. Para kay Atienza, dapat daw marinig din ang panig ni Ganal dahil inaalala lang daw nito ang kabutihan ng bawat isa.

“TUTULUNGAN NATIN MAKAHANAP NG MAAYOS NA TRABAHO ANG JANITRESS NA ‘DI PINAYAGANG MAG-CR ANG ISANG TRANSGENDER. I’d like to offer you a job. Binabati kita dahil ginamit mo ang iyong common sense at iniisip kung ano ang mas nakabubuti para sa lahat. Pakinggan natin ang panig ni Ms. Ganal, may mga babaeng lumapit sa kanya sa CR at nagsabing hindi sila komportable sa sitwasyon.,” sabi ni Atienza

Naniniwala din si Atienza na tila pinipilit ng ilang miyembro ng LGBT community na baguhin ang pag-uugali ng mga kababtan natin .

“Ginigiit ng isang grupo na bagamat may bilang sila yung pinaglalaban nila para bagang baguhin natin ang pag-uugali, ang takbo ng buhay sa Pilipinas, na tanggapin natin at i-adjust natin ang lahat doon sa kanilang mungkahi at personal na kagustuhan. I’m talking about the LGBT community,” pahayag pa ni Atienza.

Sa hiwalay naman na pahayag, sinabi ni Atienza na didipensahan niya ang karapatan ng bawat isa pero hindi dapat ipilit ang paniniwala ng isang grupo sa ibang tao .

“I will defend the rights of anyone who belong to the LGBTQ+ community BUT DO NOT IMPOSE on the other party, do not impose on the household even, do not impose on your community, definitely do not impose your own thinking sa ating bansa by making a law,” sabi ni Atienza

Source: Cong. Lito Atienza – Buhay Partylist | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: