Local News

Cong. Defensor at Atienza, Nagkainitan sa Kongreso dahil sa Lopez-DBP Loan Investigation!

“Ang 9 bilyon na utang ay ginawa nilang 3 bilyon!”

Nagkaroon ng tensyon sa kongreso matapos igiit ni Anakalusugan Congressman Mike Defensor na dapat ituloy ang imbestigasyon ukol sa pinabayaang umanong utang ng Pamilya Lopez sa Development Bank of the Philippines.

Banat pa ni Defensor, maging si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nagkomento na sa naging hakbang ng mga kapwa niya kongresista.

“Ang Pangulong (Duterte) ay nagsalita na kagabi tungkol sa imbestigasyon na isinisagawa sa DBP na kung saan binanggit niya na nagkaroon ng suspensyon. And if I quote him directly, ang sabi niya, ‘hindi maganda sa atin iyan’. Mr. Speaker, the President also stated that there are many investigation of banks, but in this particular case, when we are about to investigate the Lopez loans, we suspended the investigation… Importante ang sinabi ng Presidente at kung ano ang magiging aksyon ng kongreso,” banat ni Cong. Defensor.

Umangal at kinuwestiyon naman ni Congressman Lito Atienza ang naging talumpati ni Cong. Defensor.

Si Atienza ay kilala sa pagsusulong ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Source: DZAR

Leave a Reply

Theme by Anders Norén