Local News

Cong. Zarate, Todo Tanggi na Tinatag sila ng Communist Party of the Philippines!

Inalmahan ni Bayan Muna Representative Caros Zarate ang isang ulat kung saan nilalarawan ang partylist na kasapi sa Makabayan bloc na mga grupong itinatag ng Communist Party of the Philippines (CPP).

“We are not created by the Communist Party of the Philippines -and Bayan Muna, ACT Teachers, ang Gabriela. We are legally registered party, nagkaroon kami ng KOngreso in 2000 or 1999 and we were duly elected by our constituencies,” boladas ni Zarate.

Magugunita na inalamahan din ni Zarate ang mga social media posts ni Presidential Communication Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy kung saan ikinokonekta sila sa New People’s Army (NPA). Hinamon naman ni Badoy si Zarate na kundinahin ang NPA at kung magagawa raw ito ng kongresista ay magbibitiw daw siya sa kanyang pwesto.
Hindi naman kumasa si Zarate sa naging hamonni Badoy.

“She’s not in the position to make demands. Gusto lang niya i-divert ‘yung issue. We will not take this sitting down. “Di natin mapapalagpas ‘yan because she’s putting lives in danger,” boladas ni Zarate.

Matatandaang naman sinabi ni CPP founder Jose Maria Sison na isang archive footage na ang Gabriela at ACT Teachers ay ilan lang sa mga legal democratic forces ng kanilang kilusan ng komunista.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén