Local News

Congratulations! Boxing Champ Manny Pacquiao, Nakapagtapos na ng Kolehiyo!

May college degree na si Filipino boxing champion and Senator Manny Pacquiao mula sa University of Makati. Nakapatapos si Sen. Pacquiao ng kursong Political Science Major in Local Government Administration. Sa mga larawan na mga media outfits tulad ng PTV, ABS-CBN at Philippine Star, makikita ang senador na naka-toga at kasama ang mga mahal sa buhay.

Magugunita na noong Pebrero ng kasalukuyang taon ay pinuna ng ilang netizens si ABS-CBN news anchor Karen Davila dahil sa paraan ng pagtatanong nito kay Senador Pacquiao. Tinalakay nila Davila at Pacquiao sa isang panayam ang tungkol sa pangangailangan ng college degree sa mga senador at Pangulo. Tinanong ng host si Senador Pacquiao kung sang-ayon ba ito sa panukala. Sinagot ni Sen. Pacquiao si Davila na pabor siya na magkaroon ng college degree ang mga mambabatas at ang mga nagbabalak na maging Presidente. Ibinunyag din ni Sen. Pacquiao na kahit siya ay kumukuha na rin ng college degree.

Pero imbes na makuntento sa sagot ni Pacquiao, paulit-ulit na tinanong ni Davila ang senador kung may college degree na ba ito.

Dahil sa inasta ni Davila kay Pacquiao, hindi napigilan ng ilang kababayan natin ang mag bigay ng opinyon. Ang video clip ng pagtatanong ni Davila kay Pacquiao ay umani na ng libo-libong reaksyon at naibahagi na rin ng mahigit ilang libo.

Magugunita na sa isang pahayag, sinabi ng senador na hindi siya na-offend sa naging asal ni Davila sa pagtatanong nito. Naki-usap din ang senador sa mga netizens na huwag na lang batikusin si Davila.

“I was never offended by her manner of questioning. Isa po siyang batikan sa larangan ng broadcasting. Kung may formal training sa boxing, may formal training din sa education… I continue learning not only in academics but also in life. Pakiusap lang po: Let us stop the hate. Magtrabaho lang po tayo para sa kapakanan ng ating bayan,” paliwanag naman ni Pacquiao.

Source: PTV | Philippine Star | ABS-CBN |ABS-CBN

Leave a Reply