Local News

House Speaker Cayetano, Hinamon ng Suntukan ni Cong. Teves!

Nauwi sa hamunan ng suntukan ang diskursyon sa kongreso.

Magugunita na ibinunyag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na mayroon daw illegal business practices sina Congressmen Mikee Romero at Arnie Teves, mga kaalyado ni Marinduque Congressmen Lord Allan Velasco. Ginagamit daw ng dalawang ang kanilang posisyon sa kanilang mga iligal na negsoyo.

“May kasamahan tayo na iligal o illegitimate ang mga negosyo or iligal ang business practices. Sa tamang panahon po, ‘pag natapos’yung budget, I will confront former Deputy Speaker Mikee ROmero and Congressman Arnie Teves sa kanilang business practices at ‘yung paggamit nila ng pagiging kongresista para sa illegitimate o iligal na mga gawain,” banat ni House Speaker Cayetano.

Pumalag naman si Teves sa naging pahayag ni Cayetano at naghamon pang suntukan.

“Sabihin mo kay Alan, ‘wag siyang mangga***. Pare-pareho lang kaming La Salista. ‘Wag niyang ga**hin mga Pinoy. Sabihin mo kay Alan at LRay [Villafuerte] kung gusto nila magharap kami, kung gusto nila magsuntukan kami,” banat ni Cong. Teves.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: