Local News

Congresswoman Vilma Santos, Isinusulong na rin ang ABS-CBN Franchise Renewal sa Kongreso!

Kahapon ay naghain na si Senate President Tito Sotto ng panukalang batas para sa renewal ng ABS-CBN franchise.

Ang hakbang na ito ni Sotto ay sinegundahan ni Congresswoman Vilma Santos. Aniya, kailangan daw mapalago muli ang ekonomiya at para magkaroon di daw ng kumpetisyon sa larangan ng mass media.

“Yes, I am refiling the bill seeking for the renewal for another 25 years of the ABS-CBN franchise. I filed it the last time and I continue to believe that it is the right thing to do.

We need to start rebuilding our economy.

Through this bill, we will creating jobs and help promote healthy competition among networks. Most importantly, di mapagkakaila ang far reach ng ABS-CBN in the regions during calamities.

I am hoping that after I refile this bill, the comittee on rules wil immediately act on this counterpart measure of seante President Sotto’s bill so that it will hopefully be referred to the committee on legislative franchises the soonest.

Umaasa ako na mabigyan ito ng pansin ng komite.” banat ni Santos.

Magugunita na noong 2020 ay ibinasura ng kongreso ang franchise application ng ABS-CBN. Sa mga isinagawang pagdinig ng mababang kapulungan, lumabas ang iba’t-ibang uri ng mga isyung kinasasangkutan ng nasabing istasyon. Ilan dito ay ang unfair labor practices, tax avoidance scheme, pati ang titulo ng lupa ng headquarters ng kumpaniya ay nabusisi din.

Bago ang ginawang pagbasura ng kongreso sa franchise application ng Kapamilya network, matatandaang ilang beses nagbanta si Pangulong Rodrigo Roa DUuterte na haharangin niya ang franchise renewal ng istasyon. Ilan sa mga idinahilan ng Pangulo ay ang hindi pagpapalabas ng kaniyang campaign ads noong tumatakbo siya sa 2016 elections. Hindi rin nagustuhan ng Presidente ang pagpapalabas ng ABS-CBN ng anti-DU30 ad ni former rebel at ex-senator Antonio Trillanes.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén