Local News

PDU30, Nagsalita na sa Pagtuloy na Pagtaas ng Bilang ng Coronavirus Case sa Pinas!

Sa kanyang pagsasalita sa media ngayong gabi, ibinunyag ni pangulong Rodrigo Roa Duterte na umabot na sa 24 ang kaso ng coronavirus na naitala sa bansa. Pinasuspindi na ni pangulong Dutete ang pasok sa lahat ng antas sa Nationa capital Region mula Marso 10, 2020 hanggang Marso 14, 2020.

“Scientist are working overtime to look for a vaccine. ‘Di yan magtatagal. I am confident we can survive this contagion,” sabi ni Pangulong Duterte.

Sa naunang video ng Pangulong Duterte, sinabihan niya ang publiko na gumawa ng pansariling hakbang para malabanan ang pagkalat ng coronavirus. Inanyayahan din ni Pangulong Duterte ang mga tao na makinig sa gobyerno at pakinggan ang mga impormasyon na galing sa World Health Organization (WHO). Huwag din daw pansinin ang mga taong nagkakalat ng pananakot. Nanawagan din si Pangulong Duterte ng pakikiisa at tiwala mula sa mga Pilipino.

Source: CNN Philippines | PTV | Tribune

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: