Local News

Coronavirus, Maaring Galing sa Biological Weapon Program ng China ayon sa Ex-Senior Military Analyst

Ngayong Enero ay nagimbal ang mundo sa mabilis na pagkalat ng bagong uri ng coronavirus na nag mula umano sa syudad ng Wuhan sa China.

Ang sakit ay umabot na sa ibayong dagat at libo-libong katao na rin ang pinaniniwalaang naapektohan nito.

Sa ngayon ay nagpatupad na ng travel ban ang China upang mapigilan pa ang lalong pagkalat ng sakit.

Inilarawan ni Chinese President Xi Jinping na “grave situation” ang nangyayari sa kanilang bansa.

Base sa ilang ulat, ang bagong coronavirus ay nakitaan ng strain na mula sa paniki. Sa ilang ulat, iniuugnay ang mga wildlife na ibenebenta sa Wuhan sa nasabing karamdaman.

May lumalabas naman ngayon na bagong anggulo sa isyu na ito. Sa komento ni former Israeli military intelligence officer Dany Shoham, sinabi nito na posibleng nagmula ang sakit sa isang tagong laboratoryo ng China para sa biological weapons program ng bansa.

“Certain laboratories in the institute have probably been engaged, in terms of research and development, in Chinese [biological weapons], at least collaterally, yet not as a principal facility of the Chinese BW alignment… Coronaviruses [particularly SARS] have been studied in the institute and are probably held therein… SARS is included within the Chinese BW program, at large, and is dealt with in several pertinent facilities,” sabi ni Mr. Shohan sa The Washington Times.

Nakaraang taon ay mayroong ulat ang US State Department tungkol sa tinatagong biological warfare program ng China. Ang mga alegasyon na ito ay pinabulaan na ng China.

Si Mr. Shoham ay mayroong docotorate sa larangan ng medical microbiology. Nagsilbi din ito bilang senior analyst sa Israeli military intelligence for biological and chemical warfare sa Middle East noong 1970 hanggang 1991.

Ayon sa pinakahuling update mula sa Philippines Star, pumanlo na raw sa 106 na katao nag nasasawi sa China dahil sa naturang sakit at mayroong pang naitalang bagong kaso na aabot sa 1,300.

Source: The Washington Times | The Philippine Star

Leave a Reply

Theme by Anders Norén