World News

COVID-19 Cases, TUMAAS uli Matapos Luwagan ang Lockdown sa Germany!

Base sa ulat ng Daily Mail, tumaas muli ang bilang ng coronavirus disease 2019 (covid-19) infections sa Germany matapos luwagan ng nasabing bansa ang kanilang lockdown kontra covid-19.

May naiulat na 1,304 na bagong kaso ng covid-19 nito lamang Miyekules, mas mataas kaysa sa 1,144 na naitala noong Martes at 1,018 noong Lunes, ito ay matapos payagan ang mga non-essential businesses na magbalik operasyon.

Tumaas sa 1.0 ang coronavirus reproduction rate (R) nitong Lunes, ibig sabihin ang bawat isang tao na may covid-19 ay maaring makahawa ng isa pang tao. Magugunita na bumababa na ang coronavirus reproduction rate sa 0.7.

“Germany could have to re-impose tough lockdown measures after the infection rate increased when restrictions were eased,” ayon sa ulat ng Daily Mail.

Ang Germany ay nagsasagawa na ng 900,000 covid-19 testing kada linggo. Plano din na paigtingin ang testing sa mga health workers.

“Today, we have a theoretically possible capacity of almost 900,000 tests (per week) in Germany already, as long as the materials for these tests are available,” pahayag ni Health Minister Jens Spahn.

Source: Daily Mail

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: