Local News

CPP-NPA, Gustong Makipagkaisa kay Leni para Patumbahin ang DU30 Govt! – Former NPA Cadre Ka Efren

Sa video na ibinahagi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), binunyag ng dating New People’s Army (NPA) cadre na si Ka Efren ang masamang binabalak ng mga rebeldeng komunista laban sa Duterte Administration.

Ayon kay Ka Efren, layon ng mga komunista na makipagsanib-pwersa kay Vice President Leni Robredo upang mapatumba ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Ang CPP-NPA ay iga-grab ang opportunity na pagkawatak-watak ng gobyerno upang paisa-isa silang talunin at patumbahin, iyan ang ginagawa nila ngayon. Gusto nilang makipagkaisa kay Leni at sa iba pang legal oppositions para patumbahin ang administrasyon Duterte,” sabi ni Ka Efren.

Nagbabala naman si Ka Efren kay Leni na huwag tanggapin ang mga alok ng komunista.

“Kung tatakbo siya sa pagka-presidente sa 2022 ang pakikipag-alyansa sa CPP-NPA ay isang kiss of death. Mabibigyan niya ng pagkakataon ang CPP-NPA-NDF na makahinga at lumakas muli. Kung hindi magiging alerto si Vice President, sigurado akong malilinlang siyang CPP-NPA-NDF. If ever na siya ang manalo, sasakit ang kaniyang ulo,” ani Ka Efren.

Magugunita na may mga pahayag si CPP founder Joma Sison ukol sa pagpalit ni Robredo kay Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas.

“Without firing a single shot, the US can easily instruct its following within the military and police forces under Duterte to take him into custody as a traitor and to install vice president Robredo as the constitutional successor,” boladas ni Sison noong 2019

“It is better for him (Duterte) to resign and yield his office to his Vice President before he dies or continues to languish in bed,”. patutsada pa ni Sison noong 2019.

Lumaktaw sa bahaging 1:10:00 ng video upang mapanood agad ang pahayag ni Ka Efren ukol sa plano ng NPA kay Leni.

Source: NTF-ELCAC | ABS-CBN | DWIZ | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén