Local News

CPP-NPA, Pormal nang Itinalagang Terorista ng Anti-Terror Council!

Opisyal nang itinalagang terorista ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

“probable cause that the CPP/NPA committed or conspired to commit the acts defined and penalized under Section 4 of the ATA (Anti-Terrorism Act) and hereby designates the CPP/NPA as terrorist organizations, associations or groups of persons… Whereas, filing of the said petition by the NPS (National Prosecution Service), DOJ clearly established the existence of probable cause that the CPP/NPA committed, or attempted to commit, or conspired in the commission of the acts defined and penalized by the ATA,” sabi sa resolusyon no.12 ng ATC na may petsang Disyembre 9.

Magugunita na noong 2017 ay idineklara na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasabing grupo bilang terorista pero sa pagkakataon na ito ay pwdeng nang i-freeze ang bank accounts ng mga ito sa bisa ng anti-terror law.

Narito po ang reaksyon ng ilang personalidad sa nangyari.

“HAPPY ANNIVERSARY, TERRORISTS!Magandang pasalubong sa anibersaryo ng mga komunista ay ang official terrorist tag sa kanila. Masasakal na ang international funding nila na idinadaan sa NGOs at CPP-led organizations ng National Democratic Front. Mahirapan na ang cadres na nasa Central Committee na ma-sustain ang lavish lifestyle nila na funded ng international funding sa kunwari ay social works at pati yong extortion money na mula sa mga minahan, plantasyon, bus companies, at private contractors na gumagawa ng kalsada. Bantayan nyo sino ang mga nagrereklamo tungkol sa habang na ito. Abangan.” sabi ni Army Officer Harold Cabunoc.

“Ano ang epekto ng deklarasyon ng Anti Terrorism Council na Terrorist Organizations ang CPP at NPA?
Maaari nang aplayan na i-freeze ang bank accounts ng mga ito (Rule 6.4 IRR of the ATL)
Maaari ring hingan ng designation as terrorist organizations sa United Nations Security Council at sa ibang mga bansa na ideklara rin sila. Ito ay para hindi na sila maka hingi ng donasyon sa mga lugar na ito (Rule 6.8, ATL)
Sa madaling sabi, ang purpose ng deklarasyon ay para maputol na ang sources of funding ng CPP at NPA.
Tignan natin ngayon ano ang gagawing paraan ng mga “front organizations” para masuportahan ang mga ito.” paliwanag naman ni Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Source: Inq | Harold Cabunoc | Luminous

Leave a Reply

Theme by Anders Norén