Local News

Dadaan sa Butas ng Karayom? ABS-CBN, Malabong Mabigyan ng Prangkisa, ayon kay Cong. Marcoleta

Nitong nagdaang mga araw ay naglabas ng pahayag si Congressman Lito Atienza ukol sa posibleng pagbabalik ng ABS-CBN sa ere sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco.

“I am really confident, justice will prevail by next year.They (ABS-CBN) were maltreated, they were maltreated, they were eventually assassinated, so they should be given justice. Ako, I am just giving the new Spea¬ker time to settle. Hindi naman natin puwedeng biglain, major battle, ka uupo lamang niya. But I am not shying away from the responsibility and for the opportunity to come – that I’m working on – para maibaliknatin ‘yung floor discussion. Hindi ‘yung special firing squad ang pumatay sa ABS-CBN, firing squad eh,” boladas ni Atienza.

Sinabi naman ni Congressman Rodante Marcoleta na hindi basta-basta makakakuha ng prangkisa ang Kapamilya entwork dahil dadaan ito sa butas ng masusing pagsusuri bago umere muli. Kailangan din daw magkaroon ng reporma sa pamunuan ng tv station.

“It’s a long and circuitous process. ABS-CBN has to go through major reforms, starting with a change in management and facilities before they are given new franchise to operate,” paliwanag ni Congressman Marcoleta.

Matatandaan na sa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ay matagumpay na nabasura ang franchise aplication ng ABS-CBN. 70 sa mga kongresista ang hindi sumang-ayon sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa Kapamilya network. Sa mga isinagawang congressional hearing ay lumitaw ang sari-saring mga isyu laban sa istasyon. Ilan sa mga lumitaw na isyu laban sa ABS-CBN ay ang hindi magandang labor practices, tax avoidance scheme, at marami pang iba. Isa si Congressman Marcoleta sa mga tumutol sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa istasyon.

Noon ay binantaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng Kapamilya network. Isa sa mga dahilan noon ni Pangulong Duterte laban sa ABS-CBN ay ang hindi pagpapalabas ng kaniyang campaign ads.

Source: News5 | News5 | DWIZ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén