Local News

“Pagkababae at Pagiging Byuda ko, Naging Daan sa Malisyosong Batikos sa Akin” – Leni

Para kay Vice President Leni Robredo, kaya daw siya nakakatanggap ng mga malisyosong batikos at puna ay dahil sa pagiging babae at byuda niya.

“My being a woman—and my being a widow—has paved the way for a lot of malicious and undeserved criticisms on my person, it’s not the same for men… When you’re seen outside—even if you are with girls— If you’re seen in social circles, you’re seen as being easy,” boladas ni Leni.

Kamakailan lang ay nakatanggap ng matinding batikos at kritisismo si Leni sa ilang mga netizens dahil sa pahayag nito laban sa kampanya ng gobyerno kontra-droga.

Magugunita na sa isang foreign press interview ay sinabi ni Leni na dapat nang itigil ang kampanya ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot dahil palpak din naman.

Ang pahayag ni Leni na ito sa Reuters ay pinalagan ng ilang opisyal at ahensiya ng gobyerno na kasama sa nagpapatupad ng kampanya laban sa iligal na droga.

“The statement of Vice President Leni Robredo whom I have voted in the last 2016 election is totally unfair. She did not even bother to check the improvements and the achievements of DILG , other agencies and some outstanding local governments in helping rehabilitate our drug addicts. It is really disheartening to hear from someone I voted for, that our efforts are all failures to her, “ resbak ni Department of Interior and Local Government Assistant Secretary RJ Echiverri.

Kalaunan ay kumabyo si Leni at sinabing mali ang headlines ng ilang media dahil wala namn daw siyang sinabi na ihinto ang war on drugs ng gobyerno.

“Kapag tiningnan mo iyong interview ko, ang sinabi ko, dapat i-assess ng pamahalaan kung tama pa ba iyong strategy na ginagamit. Kasi kung mali na, kailangang i-tweak. ‘Di ba… ang gustong sabihin ng “tweak,” himasin, o ibahin nang kaunti,” paliwanag ni Leni.

Pero ayon sa Reuters, maninindigan sila sa istoryang kanilang inilathala tungkol sa sinabi ni Leni.

“Reuters fairly and accurately represented the statement of Philippine vice president Leni Robredo, and we stand by our story published on 23 October,” pahayag ng Communications Manager ng Asia Pacific Division ng Reuters na si Tyler Thia.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén