Local News

‘Dahil sa Coronavirus, Gustong Patalsikin si DU30? Pag-untugin ko mga Ulo niyo!’ – Ret. Journalist

Kamakailan lang ay ginamit ng mga kritiko ng Duterte government ang isyu ng novel coronavirus (nCOv) outbreak para ilunsad ang panibagong “Oust Duterte” movement.

Ang pagkilos na ito ay sinimulan sa social media site na Twitter. Ang #OustDuterte hashtag ay pumalo pa sa numero unong pinaka-popular na pinag-uusapan sa Twitter nitong nakaraang araw.

Ang ikinukuda ng mga kritiko ng administrasyon ay ang diumano’y mabagal na pagkilos ng pamahalaan laban sa pagkalat ng sakit.

Dumipensa naman ang Palasyo sa mga akusasyon. Ayon sa Spokesperson at Secretary Salvador Panelo, hindi pumepetiks si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isyu.

“Meron na siyang instructions. Dati nang may mga protocols, ginagawa na nga yun eh… Ano bang relax eh operational na nga lahat ng mga protocols eh,” resbak ni Spokesperson Panelo.

Kahapon lang ay inanunsyo na ni Senador Bong Go na aprub na kay Pangulong Duterte ang pansamantalang travel ban sa mga biyaherong galing sa alin mang bahagi ng Tsina. Nilinaw naman ng senador na hindi sakop sa naturang direktiba ang mga Pilipino.

“Sa ngayon ay mag-i-implement na ng temporary travel ban on travelers coming from any part of China and its special administrative regions on top of the existing temporary travel ban imposed on those coming from Hubei province and other affected areas… Taking into consideration the concerns raised by key government officials and health experts, the President made a decision and has agreed to adopt this recommendation and implement it immediately as additional precautionary measure to protect the Filipinos. Sa ngayon ay magkakaroon na tayo ng travel ban sa lahat ng nanggagaling sa Tsina,” sabi ni Senador Go sa isang panayam.

Sa kanya naman social media account, hindi pinalagpas ng retiradong mamamahayag na si Jay Sonza ang mga nanawagan ng pagpapatalsik kay Pangulong Duterte. Kung makikita raw niya ang mga ito ay pag-uuntugin daw niya ang mga ulo nito.

“dahil sa ncov scare may nanawagan ng “oust du30.” eh, kung pag-uugtugin kaya ang mga ulo ninyo, mga bugok!,” buwelta ni Sonza.

Source: Jay Sonza | Inquirer | Philstar | Inquirer| GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: