Local News

“Dahil sa’yo, Nagkagulo ang Tao” Roque, may Banat sa CNN reporter

Hindi nagustuhan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naging pag-uulat ng CNN Philippines reporter na si Trish Terada kaugnay sa isyu ng mass testing.

Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, tila ang lumalabas daw kasi sa ulat ng CNN reporter na walang coronavirus disease 2019 (covid-19) expanded testing program ang gobyerno.

Paliwanag ni Spokesperson Roque na hindi mass testing ang ginagawa ng gobyerno kundi expaned targeted testing. Nilinaw din ni Roque na walang bansa na tini-test ang lahat ng mamamayan nito.

“Mayroon po tayong expanded targeted testing. Siyempre sa simula ay mahina po iyan dahil bago pa lang ang sakit na ito. Bago ang mga teknolohiya at laboratories para i-testing sa sakit na ito. Yes, kakaunti tayo nung nagsimula pero we are aiming for 30,000. Maling-mali po ang report mo na walang kahit anong priority na binibigay ang gobyerno sa testing… Pero sa panahon ng pandemiya ay nakikita natin ang reaksyon sa mga hindi tamang report. Your not doing the entire nation a service by doing that. I think you also need to rectify your report because it really cause public uproar,” sabi ni Roque.

“I have to call you out, Trish. Ikaw lang ang nagbalita ng ganyan sa lahat ng mga reporters ng MalacaƱang Press Corps. Ok lang sana kung pare-pareho kayo ng report, ibig sabihin nagkamali ako. Dahil sa iyo, nagkagulo ang tao,” dagdag pa ni Roque.

Source: Facebook

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: