Local News

‘Dahil sa Pamilya Aquino, Nawala ang Tatay ko!’ Kris Aquino, Binanatan ni Mystica!

Nagpakawala ng sandamukal na mura ang dating aktres na si Ruby Rose “Mystica” Villanueva laban kay Kris Aquino. Ito ay nangyari ilang araw matapos maglabas ng tell-all video si Kris.

Hindi matranggap ni Mystica ang sinabi ni Kris na nag-sakripisyo diumano ang kanyang ama at ina para sa bansa.

Para kay Mystica, ang tunay na nagsakripisyo para magtagumpay ang mga magulang ni Kris ay ang mga tao, kasama ang ama niya.

“Ang kapal mo naman sabihin na ang nanay at tatay mo ibinuwis ang buhay para sa Pilipinas, hindi mo ba alam na kami ang nagbuwis ng buhay noong nandoon kami sa EDSA? Nagtiis kami, sa init, sa gutom, nagtiis kami para lang maka suporta sa nanay mo… Kung tutuusin, ang nanay at tatay mo ang may utang sa aming pamilya dahil kundi dahil sa magmamanipulate ng ama at nanay mo sa tatay ko edi sana hindi ako nawalan ng ama, p***** *** ka, tapo sasabihin mo kami ang may utang sa pamilya mo? pweh… Ang tatay ko ay nabiktima niyo, ang kinikimkim ko atleast naiparamdam ko na sa’yo, ayan lalabas na.. lalabas na,” banat Mystica.

Banat pa ni Mystica, hindi daw niya na kailangan ng magandang background tulad sa video ni Kris. Hindi rin daw siya patatalo kay Kris pagdating sa drama.

“Kung drama lang ang usapan, hindi uurungan o ano? Drama tayo? Hangga’t nabubuhay hindi ako papayag na ikaw ang magiging queen of drama,” resbak pa ni Mystica.

Source: Mystica Celebrity Channel

Leave a Reply

Theme by Anders Norén