Local News

Dahil sa Tulong ni Duterte, Na-Trace ang Maguindanao Massacre Site – Victim’s Family

“Kung hindi nagpahiram si Mayor Duterte noon, si Presidente, halos walang traces na makita,”

Ganito ang pagbubunyag ni Maguindanao congressman Toto Mangudadatu sa isang panayam tungkol sa tulong na ibinigay ni dating Davao City Mayor at ngayo’y Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang magkaroon ng lead ang kaso ng 58 katao na pinaslang ng pamilya Ampatuan.

Ayon kay Mangudadatu, tumulong daw humiram ng helicopter si ex-mayor Duterte upang hanapin ang lugar kung saan pinaslang ang mga biktima. Noong natagpuan daw ang lugar, nakita pa raw na hinuhukay ng mga gunmen ang paglilibingan ng mga pinaslang. Nang nakita ng mga gunmen ang helicopter ay nagpulasan daw ang gma ito.

Magugunita na isa sa mga biktima ay ang asawa ni Mangudadatu na si Genalyn Tiamzon-Mangudadatu.

Matatandaang pupunta na ang asawa, kaanak, aides, mga abogado at supporters ni Mangudadatu sa opisina ng Commission on Election (COMELEC) para maghain ng kandidatura nang harangin at pinaslang ang mga ito ng kampo ng Ampatuan.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni mangudadatu na tumitira ng droga ang mga Ampatuan kaya nagawa ang krimen. Gusto dind aw sana niya na maparusahan ng bitay ang mga salarin.

“Ang gusto ko nga talagang bitay, lalo na ‘yang si Unsay pati ‘yung magkakapatid dahil grabe ang ginagawa nila. Hindi lang Maguindanao massacre ang ginawa niyan… Kung hindi nakadroga silang magkakapatid pati ‘yung tatay, gagawin ba nila ‘yun? Walang iiwan? Gagalawin ba nila ‘yung mga babae? Malaya naman tayo eh, nasa demokrasya tayo bakit ginawa ‘yun,” sabi ni Mangudadatu.

Source: ABS-CBN | GMA Network

Leave a Reply

Theme by Anders Norén