Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Dahil sa Utos ni DU30! Tickets sa ilang SEA Games Events, Libre Na!

Inanunsyo ngayon araw ni Philippine Southeast Asian Games Olympic Committee (Phisgoc) chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano na gagawing libre ang tickets sa halos lahat ng sporting events para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Cayetano, ito raw ay pagsunod sa tagubilin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bigyan ng libreng ticket ang publiko para masuportahan ang mga atletang Pilipino.

“The instructions of the President is to make sure that all Filipino who want to watch live and can be physically present sa games, the organizing committee has decided that all games na hindi pa sold out yung tickets ay i-open at ilibre na,” sabi ni House Speaker Cayetano.

Nilinaw naman ni House Speaker Cayetano na makakapagbigay ng libreng tickets sa ilang sporting event dahil na sold out na raw. Tulad na lang ng basketball, volleyball, at football.

“Yung full capacity, yun po yung sinasabi namin na nasold out na,” paliwanag ni House Speaker Cayetano.

Magbibigay din daw ang ating gobyerno ng tickets para sa ilang palaro at sa closing ceremony. Pero ito ay gagawin sa first-come, first-served basis.

Ipamamahagi ang mga general admission tickets sa mga local government units (LGUs) na mayroong palaro tulad ng Manila, Pasay City, Pasig City, Muntinlupa City para sa Metro Manila cluster; Sta. Rosa at Biñan naman para Laguna cluster; Tagaytay para sa Cavite cluster; at Calatagan sa Batangas.

Nitong nagdaang mga araw ay naging mainit ang usapin tungkol sa SEA Games dahil sa pagkakalat ng ilang media ng pekeng balita. Magugunita na ibinalita ng ilang news organization na “kikiam” umano ang inihain sa ilang mga atleta pero umalma ang partner hotel na Whitewood at nilinaw na chicken sausage ang kanilang inihain sa mga manlalaro. May isa ding pahayagan na nagpakita ng hindi tunay na litrato ng Biñan Football Stadium na kalaunan ay inalmahan din ng Biñan City Information Office.

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén