Local News

Dalagita, Hinalay ni BF at Pinatikim pa sa 4 na Kabarkadang Menor De Edad!

Kaawa-awa ang sinapit ng 13-anyos na dalagita na si “Anne” sa kamay mismo ng kanyang 19-anyos na boyfriend. Imbis kasi na ang kasintahan nito ang prumotekta sa dalaga mula sa kapahamakan, ito pa ang naging promotor ng kahalayan. Ang masaklap pa ay ipinagamit pa ng boyfriend ang nobya sa 4 pa na menor de edad na kabarkada nito. Hindi pa nakuntento ang mga kawatan, kinunan pa ng video ang nangyari at kumalat sa social media.

Nakilala ang nobyo ng biktima at suspek na si John Patrick De Pedro.

Ayon sa tatay ni Anne, nag-text ang isa sa mga suspek sa kanyang anak noong ito ay naghihintay ng tricycle. Pinapunta ang biktima sa bahay ng kanyang boyfriend at dito na nangyari ang kabalbalan ng mga suspek.

Napag-alaman din ng ama ng biktima na hindi ito ang unang pagkakataon na ginawan ng kahalayan ng mga suspek ang ang kanyang anak.

“Inamin ng lahat. Sabi nila, ‘ginahasa namin ang anak mo, ilang beses namin ginahasa’. Tinatakot siya na sasaktan siya kung magsusumbong,” sabi ng tatay ng biktima.

Nasa kamay na ng otoridad si De Pedro at ang 4 naman nitong kabarkadang suspek ay nasa municipal welfare and development office.

Buong ang loob ng mga kaanak ng biktima na magsampa ng asunto laban sa mga salarin.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa ginawang kabalbalan ng nobyo ng biktima at mga menor de edad na kabarkada nito.

“pinoprotektahan ng human rights ang mga nangr*pe sa iyo..kawawang biktima …sana manlaban din yang mga r*pist na yan para matodas na rin,” sabi ni N. Lanzaderas.

“Walang hiyang mga r*pists yan! Dapat ibaba ang parusa sa mga menor de edad dahil mas marami ngayong nakakagawa ng krimen ang mga menor de edad, dapat pagnakasala parusahan hindi batayan ang edad, ang dapat maging batayan ay krimeng nagawa nila. Kawawa naman ang nabiktima,” sabi ni N. Lanzaderas.

Source: GMA News | Facebook

Leave a Reply

Theme by Anders Norén