Local News

“Dapat Absent Ako para Dumalo ang Makabayan Bloc sa Senate Hearing!” Gen. Parlade, Binunyag ang Kondisyon ng mga Letist Congressmen!

Ibinunyag ni Lt. Genral Antonio Parlade ang naging kondisyon umano ng mga makakaliwang kongresista ng Makabayan Bloc para dumalo sa ikalawang senate hearing ukol sa red-tagging. Ayon kay Parlade, gusto daw ng Makabayan Bloc na mag-absent siya para lumitaw ang mga mambabatas sa nasabing pagdinig.

“Mga KAMATAYAN BLOC nagpakita sa Senado upang magsinungaling lang. Nakiusap pa kayo na mag-absent ako bilang kondisyon para kayo ay magpakita sa Senado subalit wala kayong masabi tungkol sa mga isiniwalat ng mga dating rebelde ng nakaraang inquiry. Pa suspense pa kayo sa hindi pagsipot pero wala naman kayong masabi tungkol sa sinabi ng witnesses na kinasangkutan ninyo sa mga plenum ng CPP at NPA tuwing anibersaryo nila,” banat ni Lt. Gen. Parlade.

Ayon pa kay Parlade, gusto daw igiit ng mga makakaliwa ngayon ang peace talks dahil naiipit na ang mga ito.

“Dahil naiipit na sila, gusto ni Casiño na ibalik ang usaping pangkapayapaan. Maliwanag na sa gobyernong ito, na hindi kailanman kapayapaan ang sadya ng CPP sa mga Peace Talks na nagdaan. Narinig natin iyon sa bibig ni Agcaoili mismo, subalit deadma itong sina Casiño dahil gipitan na. Mahigit labing lima (15) pang witnesses ang nakaantabay at hindi pa nakakapagsalita. Ilang ebidensya pa kaya ang gustong marinig ng KAMATAYAN BLOC para sila ay umamin na wala ng lusot. Sa dinami-dami ng impormasyon na narinig natin sa Senado sa mga dating rebelde, masasabi pa kaya ni Rep. Zarate na walang basehan ang mga isinisiwalat ng NTF ELCAC?

Abangan natin ang susunod na kabanata habang patuloy nating hinuhubaran ang mga hipokritong ito na sumisira sa kinabukasan ng ating mga kabataan.” buwelta pa ng heneral.

Magugunita na sa senate hearing ay hindi makundena ng mga leftist personalities ang NPA. Ayon pa kay former Bayan Muna Represetative Teddy Casiñno ay hindi nila itinuturing na kalaban ang mga rebeldeg komunista.

Source: Lt. General Antonio Parlade | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén