Local News

Dapat Mahinahon ang Approach sa Water Concessionaires Issue, ayon kay Leni!

Para kay Vice President Leni Robredo dapat daanin daw sa mahinahon na paraan ang pakikipag-usap sa mga water concessionaires upang plantsahin ang gusto sa kontrata nito sa gobyerno. Ayon kay RObredo, maaari daw itong maka-apekto sa mga gustong mamuhunan sa bansa.

“Kapag hindi natin dinaan sa mas mahinahon na usapin, ang dami nitong collateral damage,” sabi ni Robredo.

Magugunita na nitong umpisa ng Disyembre ay galit na isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang tungkol sa kontrata ng mga water concessionaires at ng mga nakaraang gobyerno. Sa paglalarawan ng Presidente sa naturang kontrata, tinawag niya itong “tagilid” para sa taumbayan at pamahalaan. Nagbanta din ang Pangulo ng military take-over laban sa mga water companies o di kaya ay kakasuhan ang mga ito ng economic sabotage kasama ang mga taong gobyerno na bumalangkas ng kasunduan. Nagsalita din si Pangulong Duterte na sasampalina ng mga may-ari ng mga water copanies.

“Ang ating tubig ginawang negosyo ng mga tao dito sa Pilipinas. Ang ngayon, ang inabutan natin ang may-ari na ngayon Manila Gas, Maynilad, si Ayala pati si Panganiban — Pangilinan…. Hanapin mo nga si Ayala kung saan. Puntahan ko. They do not pay corporate income tax. Ang corporate income tax, hinuhulog nila doon sa tao. Part of the — binabayad mo sa tubig… Mag-usap tayo ng — ‘pag hindi… Tag-isang sampal kayo sa akin. Maniwala kayo. Pat — patikim ko sa inyo. Pakita ko sa Pilipino paano mag-sampal ng mga milyonaryo, bilyonaryo. L**** kayo,” banta ni Pangulong Duterte.

Banat pa ni Robredo, idaan na lang dapat sa renegotiation ang kontrata.

“Kung may masamang probisyon, i-renegotiate ‘yun at ‘wag payagan na patuloy na mamayani kasi nakakasama siya sa taong bayan. Pero ‘yung paraan nang paggawa, parating iisipin… Dahil sa pagdesisyon ng pabigla-bigla, ano iyong message na binibigay nito sa mga investors? Dati nang bagsak iyong ating foreign direct investments. Kapag nakita ng mga investors na dito pala sa atin walang kasiguraduhan iyong mga kontrata, tingin ba natin maeengganyo ba sila?” dagdag pa ni Robredo.

Sa press briefing sa Palasyo, binutata ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang mga pinagsasabi ni Robredo.

“Siguro ang advice natin kay VP Leni, huwag mo na pasukin ang hindi mo alam. It means I don’t think she’s knows anything about it,” banat ni Secretary Panelo.

Source: CNN Philippines | Politiko | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén