Local News

“Dapat noon niyo pa inamin” Malacañang, Nagsalita sa Pag-Amin ng ABS-CBN sa Kasalanan!

Ngayong araw sa pagdinig ng senado ukol sa prangkisa ng ABS-CBN, humingi ng paumanhin ang opisyal ng media giant sa hindi nila pagpapalabas sa campaign ads ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2016 election season. Ang halaga ng naturang ads ay P7 million.

“We were sorry if we offended the President. That was not the intention of the network… We felt that we were just abiding by the laws and regulation that surround the airing of political ads… Today, we want to make a categorical statement together with our chairman Mark Lopez that ABS-CBN does not and will not have its own political agenda,” sabi ni ABS-CBN Corporation President and Chief Executive Officer Carlo Katigbak.

Dahil sa pag-amin ng Kapamilya network sa kanilang kamalian, nagbigay ng pahayag ang tagapagsalita ni Pangulong Duterte na si Secretary Salvador Panelo.

Ayon kay Secretary Panelo, dapat noon pa raw humingi ng paumanhin ang media giant kay Pangulong Duterte. Hindi rin daw niya alam kung tatanggapin ng Pangulo ang pahayag ng Kapamilya network.

“I am gald finally ABS-CBN has admitted its shortcomings to the President. Dapat noon pa nila ‘yun ginawa. I don’t know na kay President ‘yun [kung tatanggapin niya ang paumanhin]. It’s personal to him,” ayon kay Presidential Spokesperson Panelo.

Humakbang sa 5:14 mark ng video para mapanood ang pahayg ni Sec. Panelo.

Magugunita na ilang beses nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng media giant. At ilan sa mga binanggit niyang rason ay ang hindi pagpapalabas ng ABS-CBN ng kanyang patalastas para 2016 elections kahit na tinanggap daw ng kapamilya network ang kanyang bayad.

“Ang inyong franchise mag-end next year [Your franchise will end next year]. If you are expecting na ma-renew ‘yan [a renewal], I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out… Ang ABS-CBN, ‘yung bunganga ng inyong interes, they protect you…Kayo ngayon, mag-renew kayo ng contract? Ilan kayong mga senador ngayon na nagbayad sa inyo na hindi ninyo pinalabas yung kanila?… Unang nilabas ninyo ‘yung kay Trillanes ‘yung using the children of a propaganda…. Tinanggap ninyo ang ₱2 million ko, ni wala…Hindi lang ako ‘yung na-ganoon, Chiz Escudero, marami. Lahat sa Congress,” sabi ni Presidente Duterte noong Disyembre 2019.

Source: News5 | ABS-CBN| PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén