Local News

Kawawa at Sira-sirang Airport, PinaGANDA ng Gobyerno!

Isa na namang kawawang paliparan ang pinaganda ng gobyerno. Binuksan kamakailan lang ng pamahalaan ang bagong-ayos at pinagandang Marinduque Airport.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), noong 2013 nang mahinto umano ang operasyon ng airport at matagal din na nanatiling maikli ang runway ng paliparan. Natengga din daw na sira ang Passenger Terminal Building (PTB) nito.

Ngayon, halos mahigit dalawang taon ng pagkukumpuni, napaganda na ito ng gobyerno. Nalagyan na ito ng aircon at mayroon na rin mga x-ray machines.

Sa pakikipagtulungan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), napalaki ang runway ng paliparan nitong Nombyembre 19, 2018, upang makatanggap ng mga mas malalaking sasakyang panghimpapawid.

Nito namang April 1, 2019 ay nakapaglunsad na muli ng mga commercial flights ang paliparan.

Ang Marinduque ay mayroong isa sa mga pinaka-sikat na okasyon sa Pilipinas – ang “Moriones Festival”. Makikita rin sa lugar ang mga pinakamatatandang mga imprastruktura sa bansa, tulad ng simbahan.

Ang magandang balita na ito ay ikanagalak naman ng ilang kababayan natin.

“Congratulations it is very nice and it gives comfort just to see rehabilitations and developments happening to our country. Thank you very much and do not waiver your enthusiasm in doing great means for our beloved Countrymen, they deserve these facilities which have long been deprived of them. Again thank you!” sabi ni F. Mie.

” Im glad to see this DOTrPH achievement, im not from Marinduque but im very happy. keep it up Sir Tugade, work well done” sabi ni E. Balais.

” Keep up the good work mga Sir and Madam thank you very much for supporting our President.one for all all for one God bless po sa inyong lahat.” sabi ni J. Angat.

Source: DOTr

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: