Local News

Davao Group ni DU30, Bibilhin ang ABS-CBN para sa 2022 Elections – Trillanes

“Kailangan natin bantayan ang isyu na ito, baka mapasakamay ni Duterte ang ABS-CBN,”

Kamakailan lang ay pinasok na ni former senator Antonio Trillanes ang mundo ng vlogging. At ginagamit niya ngayon ito upang magparatang laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa kanyang pinakahuling video, sinabi ni Trillanes na mas malalim pa raw sa campaign advertisement issue ang dahilan ni Pangulong Duterte upang banatan ng banatan nito ang ABS-CBN.

Ayon sa dating mambabatas, ang mga birada daw ni Pangulong Duterte laban sa Kapamilya network ay para bumagsak ang stock market price nito upang mapilitan ang mga may-ari na ipagbili ang istasyon.

“May impormasyon akong natanggap na kaya tinatakot ni Duterte ang ABS-CBN na hindi ibibigay ang franchise dito ay para bumagsak ang halaga nito sa stock market para mabili ng kanyang Davao Group…Base sa aking impormante, nag-offer na raw ang Davao Group para bilhin ito,” boladas ni Trillanes.

At kung mapasakamay daw ng Davao group ang istasyon, gagamitin daw ito para isulong ang kandidatura ng kampo ng mga Duterte sa 2022 elections at siraan ang mga kalaban sa politika.

“Dahil aside sa hindi na magre-report ng negatibo ang TV Patrol, kaya pa nilang i-promote ang kanilang candidate at strain ang mga kar─▒bal nila sa eleksyon,” patutsada pa ni Trillanes.

Ang boladas naman na ito ni Trillanes ay agad sinupalpal ng abogado at blogger na si Atty Trixie Cruz-Angeles.

“Ho-hum. As if naman iligal yan. Baka di nagbasa ng PD 576A si Trillanes? Pwede ipa auction yung mga sobrang stations ng ABS. Di na naman nagbasa si SonnyT,” resbak ni Atty. Trixie.

Sa senate hearing para sa prangkisa ng ABS-CBN nitong Lunes ay humingi na ng paumanhin ang pamunuan ng ABS-CBN sa hindi nila pagpapalabas ng campaign ads ni Pangulong Duterte. Ang paumanhin ng ABS-CBN ay tinanggap ni Pangulong Duterte pero nilinaw ng Malaca├▒ang na tuloy pa rin ang Quo Warranto petition laban sa prangkisa ng istasyon.

Source: Politiko | Trillanes | Atty. Trixie Cruz-Angeles

Leave a Reply

Theme by Anders Norén