Local News

De Lima, Itatali sa Malaking Kwitis ni DU30 at Papaliparin sa Spratlys?

Tila nabuwisit si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga patutsada ng nakakulong na senadora na si Leila De Lima. Nitong nagdaang araw, isa si De Lima sa bumatikos sa polisiya ni Pangulong Duterte sa West Philippine Sea.

Sa pakikipag-usap ni Pangulong Duterte sa ilang miyembrop ng media nitong Huwebes, sinabi ng Presidente na gusto niyang itali si De Lima sa rocket at paliparin patungong Sprtalys.

“Kung ano-anong pinag-isip… nandoon sa presohan si De Lima. Kung ano na lang ang sinasabi, attack, ganon. Ikaw, itali kita ng kwitis na malaki, ikaw ang pa… pasiritin ko doon sa Spratlys,” banat ng Pangulo

“I will order in Bulacan the greatest… the biggest kwitis that we can ever make. Itali kita, sindihan ko,” dagdag pa ng Presidente.

Hindi tuloy napigilan ng Pangulo na ungkatin ang kinakaharap ng kaso ng senadora.

No, you do not have the moral right. Not even… Kaya kung ayaw mo pag-usapan ‘yan kasi sabi mo may mga anak ka, eh ‘yung… Do not tempt too much na ‘pag marunong ka. You keep quiet… You clear yourself, prove to us that hindi ikaw, si ano ‘yon, kung sino ‘yon kamukha mo lang. O baka ayaw mo lang sabihin may twin sister ka,” buwelta ng Presidente.

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén