Local News

De Lima, Sinulsulan si Acierto na Isapubliko ang Drug Report na Laban sa Presidente!

Inudyukan ng nakakulong na senador na si Leila De Lima si former Senior Supt. Eduardo Acierto na isapubliko ang intelligence report nito tungkol sa pagkakasangkot ng ilang personalidad sa hanay ng kasalukuyang gobyerno sa kalakaran ng iligal na droga. Magugunitang isinasangkot ni Acierto si former presidential adviser Michael Yang sa drug trade. Ayon kay De Lima ang report ni Acierto ay dapat mausisa ng lubos at mapatunayan. Para kay De Lima, makukuwestiyon ang kaugnayan ng Pangulo sa bentahan ng droga sa bansa. Si De Lima ay kasalukuyang nakakulong dahil sa mga kasong may kaugnayan sa droga.

“The intel report of Acierto, if publicized and verified, will raise questions as to Duterte’s real involvement in the drug trade in the country,” sabi ni De Lima.

Kinuwestiyon din ni De Lima ang integridad ni Pangulong Duterte.

“Kung malinis talaga si Mr. Duterte, bakit naduduwag siyang paimbestigahan si Yang at ang kasabwat nito? Nakikinabang ba siya sa ‘drug business’ o siya ba ang totoong mastermind?,” Boladas ni De Lima.

Hinamon din ni De Lima ang Presidente na pa-imbestigahan si Yang.

“Kung galit ka talaga sa ilegal na droga at sa drug users at pushers, patunayan mo yan ngayon Mr. Duterte, at paimbestigahan si Yang. Hindi yung puro mahihirap at walang kalaban-laban ang pinagdidiskitahan mo,” banat ni De Lima.

Sa pahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino, sinabi nito na hindi sangkot si Yang sa drug trade. Ganito din ang naging pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa mga akusasyon ni Acierto kay Yang.

p>“Wala naman tayo so far nakikita talaga. As of this time, walang nakikitang involvement ni Michael Yang sa illegal drugs,” paliwanag ni Albayalde.

Nagsalita na rin si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga pinagsasabi ni Acierto. Ibinunyag ng Pangulo ang pagkatao ni Acierto. Nasangkot umano ang dating pulis sa pag-import ng AK-47 rifles na napunta sa kamay ng New People’s Army at sa pagkamatay ng Korean National na si Jee Ick-Joo.

Source: GMA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén