Local News

De Lima to Duterte: Oras na Para Mag-Soul-Searching Ka!

May panibago na namang batikos si Senator Leila De Lima kay Pangulong Duterte. Saad ni De Lima, mukhang napapanahon na raw upang magsagawa ng seryosong soul-searching si Duterte.

Ayon pa sa Senadora, hindi umano niya alam kung hindi ba nararamdaman ng kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na dumarami na umano ang mga taong umaayaw dito.

Ganito ang naging maaanghang na pahayag ni Senator De Lima patungkol kay Pangulong Duterte noong Sabado, mula sa ulat ng Inquirer:

“I don’t know if Mr. Duterte realizes that more and more people hate him. Really hate him. I haven’t seen any other Philippine President in recent memory, or even in our distant history, eliciting so much hatred and contempt. Not even the dictator Marcos or Gloria Arroyo had invited such level of authentic scorn or virulence,” ani De Lima.

Dagdag pa ng Senadora, tila nagiging “panatiko” na umano ang mga nananatiling sumusuporta kay Pangulong Duterte sa kabila ng mga batikos na ibinabato rito. Tinawag niya ring “bulag na pagsunod” ang ginagawang ito ng mga nasabing supporters ni Pangulong Duterte.

“That’s what fanaticism is all about- a blind devotion, coupled with a perverse notion about the invincibility of a demagogue idol,” saad ni De Lima.

“Time to do some serious soul-searching, Mr. President. Are you still capable of bringing any good or righteous normalcy to our country? Or is it now a road to perdition all the way? Are you even capable of pure enlightenment?,”wika pa ng Senadora.

Source: INQ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén