Local News

US Ban na Pirmado daw ni Trump, Hindi rin Makita ng FB Fact Checker?

Nitong mga nakaraang linggo ay halos sabay-sabay na ibinalita ng mga local mainstream media ang tungkol sa 2020 US Budget law na pinirmahan ni American President Donald Trump na may probisyon nagbabawal daw sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na may kinalaman sa pagkakapiit ni Senador Leila De Lima na makatungtong sa Estados Unidos.

Ang naturang balita ay binoljak ng radio host at Manila Bulletin Columnist RJ Nieto. Sa kanyang column, binunyag ni Nieto na wala sa pinal na pinirmahan ni US President Trump ang naturang probisyon.

At kung may probisyon daw na maikokonekta sa isyu tungkol kay De Lima ay napaka-generic daw nito at matatagpuan ang parehas na parehas na kataga sa mga dating US budget laws (2015, 2016, 2017, at 2018).

“Officials of foreign governments and their immediate family members about whom the Secretary of State has credible information have been involved in significant corruption, including corruption related to the extraction of natural resources, or a gross violation of human rights shall be ineligible for entry into the United States,”

Sa isang social media post ng Facebook fact-checker na si Ellen Tordesillas, pati ito ay hindi rin makita ang naturang probisyon.

Nagbigay na rin ng ooinyon si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa isyu. Sa kanyang social media account, bumanat si Senate President Sotto na marami daw tao ang nabola ng diumano’y ban sa mga Filipino Government Officials.

“Wala naman Pala sa US 2020 budget yun so called ban. Ang daming nabola!” banat ni Senate President Sotto.

Source: | Ellen Tordesillas

Leave a Reply

Theme by Anders Norén