Local News

DepEd, Iimbestigahan ang Kaso ng Pinahiyang Guro sa Programa ni Tulfo!

Papasok na ang Department of Education (DepEd) tungkol sa kaso ni Melita Limjuco, ang guro na inakusahan ng “child abuse” at napahiya sa programa ng kilalang news anchor na si Raffy Tulfo.

Ayon kay DepEd Undersecretary at Spokesperson Annalyn Sevilla na nakikipag-ugnayan na ang legal team ng kanilang ahensiya sa mga kinuukulan para makakuha ng validated report sa nangyari.

“still coordinating with the regional and division offices concerned… We will wait for their validated status report first,” sabi ni Sevilla.

Nag-alok naman ng tulong ang abogado at education advocate na si Atty. Joseph Noel Estrada kay Ginang Limjuco. Nanawagan din siya sa publiko na dinggin ang panig ng guro. Ayon sa abogado, wala siyang nakikitang pang-aabuso na ginawa ng guro sa estudyante.

“I do not see any abuse done by the teacher… The disciplinary action imposed by the teacher is the necessary consequence of the child’s misconduct… We only saw the video but what we don’t know is that the child was sent out of classroom because he was fighting with other classmates… Aside from the issue of the [report] card that [was] repeatedly forgotten by the child, there was a previous incident where the card was splashed with water and that must have been the reason why the teacher was concerned about it,” paliwanag ni Estrada.

Magugunita na humingi ng tulong ang lola ng batang estudyante sa programa ni Tulfo upang makapag-sampa ng kaso laban sa guro. Ito ay dahil nakita sa CCTV footage ang pagpapalabas ni ginang Liumjuco sa estudyante sa silid-aralan. Ayon sa pamilya ng bata, napahiya at na-trauma ang bata.

Humingi na ng paumanhin si Tulfo sa kanyang programa.

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén