Local News

DFA Sec. Teddy Boy, Ipagtatanggol si Angel Locsin! May Warning sa Mang-aaway sa Aktres!

To the rescue ngayon si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin Jr. sa aktres na si Angel Locsin. Ito ay matapos ibunyag ni Lt. General Antonio Parlade ang koneksyon ng kapatid ng aktres sa New people’s Army.

“Angel Locsin has done more with her life for others than anyone I know of in her situation,” boladas ni DFA Sec. Locsin.

“Anyone messes with her will get it. I am not allowed to threaten on Twitter,” dagdag pa ng kalihim.

Magugunita na inalmahan din dati ni Sec. Locsin ang pagkaka-aresto kay former Bayan Muna Satur Ocampo. Matatandaang inaresto si Ocampo dati kasama si ACT Teachers Partylist Representative France Castro dahil sa pagtanggay sa ilang kabataan lumad na walang permiso sa magulang.

“Human trafficking? Bullsh*t… I won’t even bother to get the other side. I know Satur. We protected him in our Congress against warrants of arrest,” sabi ng kalihim noong 2018.

Source: Politiko | Archive | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén