Local News

DFA Secretary Locsin, Binoljak ang Iceland sa kanyang Social Media Account!

Hindi nagustuhan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy “Boy” Locsin Jr. ang panibagong pahayag ng bansang Iceland patungkol sa Pilipinas.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, pinilit ng Iceland na ang resolusyon na kanilang isinulong sa United Nation Human Rights Council (UNHRC) ay naglalayon na makakuha ng katotohanan sa tunay na nangyayari sa kampanya kontra-droga ng Duterte Administration.

“The resolution is, however, very modest, focusing on impartiality and cooperation with the U.N. to get clarity around the contested facts. The resolution also reaffirms the determination of U.N. member states to tackle the world drug problem and enjoyed the support of countries facing their own serious drug problem,” sabi ng Iceland’s Ministry of Foreign Affairs.

Magugunita na naghain ang Icelang ng resolusyon sa UNHRC para imbestigahan ang kampanya kontra-droga ng Duterte Government. 18 na bansa ang bumoto pabor dito, kasama ang Mexico. 14 naman ang hindi sang-ayon, kasama ang Tsina. Habang 15 ang nag-abstain o hindi bumoto, kasama ang Japan.

Sa kanyang social media account, binanatan ni DFA Secretary Locsin ang Ministry of Foreign Affairs ng Iceland. Ayon sa Kalihim, inamin na diumano ng Iceland na hindi pa lubos na nakakuha ito ng impormasyon ukol sa kalagayan ng human rights sa Pilipinas, pero kinundina na agad ang Pilipinas sa resolusyon na isinulong nito sa UNHRC.

“Iceland can go to hell with its resolution condemning the Philippines with the odd admission it has yet to get the facts straight about the rights situation here. At this point, let’s drop any mention of Iceland; we are giving it an importance its dimensions do not warrant,” sabi ng Iceland’s Ministry of Foreign Affairs.

Nitong nagdaang araw ibinunyag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte na putulin ang ugnayan ng Pilipinas at ng Iceland dahil sa inihain itong resolusyon sa UNHRC.

“PRRD [President Rodrigo Roa Duterte] is seriously considering cutting diplomatic relations with Iceland… The adopted Iceland resolution is grotesquely one-sided, outrageously narrow, and maliciously partisan…. It reeks of nauseating politics completely devoid of respect for the sovereignty of our country. It is bereft of the gruesome realities of the drug menace in the country,” sabi ni Panelo.

Source: DFA Secretary Locsin’s Twitter Account | CNN Philippines| Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén