Local News

‘Di agad pasaway ang mga taong nasa labas ng bahay’ Trillanes, Dinepensahan ang ilang Lumalabag sa Quarantine?

Para kay former senator Antonio Trillanes IV, hindi dapat kundinahin ang mga taong nahuhuling lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ). Naniniwala ang dating mambabatas na may mga rason ang mga ito kaya lumalabas sa kani-kanilang mga bahay.

Sa kanyang social media post, inilista ni Trillanes ang mga posibleng rason kung bait napipilitan ang mga tao na lumabag sa quarantine. Ayon sa dating seandor, ilan daw sa mga violators ay lumalabag dahil sa mainit na temperatura sa kanilang mga tahanan. Banat pa ni Trillanes, ang iba daw ay walang “choice” dahil walang bahay.

“Ang mga taong nsa labas ng bahay ay di agad pasaway. Bka sila ay: 1. Ppunta o mgtatrabaho sa plengke/ospital 2. Di na mkatiis sa init,sikip ng bahay nila kc wla silang aircon/garden gaya ng mga maykaya sa buhay. 3. Sa lansangan sila nktira,” sabi ni Trillanes.

Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga lumalabag sa quarantine, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipinahahanda niya na ang mga pulis at sundalo upang magpatupad ng mas istrikto na social distancing at curfew. Ito daw ang magiging hakbang ng Presidente kung patuloy ang kawalang-disiplina ng ilang kababayan natin. Hinalintulad ng Pangulo ang nasabing mas istriktong quarantine sa martial law.

“I’m just asking for your disiplina, Kasi pag ayaw ninyo, ayaw ninyong maniwala, magtakeover ang mga military pati pulis. Iam ordering them now to be ready. Ang pulis, pati military ang mag-enforce sa social distancing at ‘yung curfew. Sila na. Parang martial law na rin. Mamili kayo. Ayaw ko, pero pagka naipit na ‘yung bayan at walang disiplina kayo,” ani Presidente Duterte.

Magugunita na sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa na hindi na magwa-warning ang mga pulis sa mga quarantine violators kung sakaling ipatupad na ang mala-martial law na quarantine. Diretso aresto daw ang aabutin ng mga pasaway.

“Kung ito ay matutuloy, it will really be full implementation of the law and wala na tayong warning, diretso na tayo sa aresto… So kung talagang tutuluyan ito, we can charge them of so many violations existing ngayon [against] Bayanihan Act No. 11332 then meron pa ‘yung Revised Penal Code. Siguro magpakita dapat ang publiko na mag-behave sila para hindi ito matuloy,” sabi ni PNP Chief Gamboa.

Source: Antonio Trillanes GMA News | PCOO via GMA News | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: