Local News

‘Di ako Makapaniwalang Hindi Tayo Naghahanda for Mass Testing – Angel Locsin

Sa pamamagitan ng kanyang twitter account, nagpahayag ng reaksyon si ABS-CBN Angel Locsin tungkol sa usapin ng mass testing para sa coronavirus disease 2019 (covid-19) sa bansa.

“Hindi ako makapaniwalang hindi tayo nagpre-prepare for mass testing na kailangan-kailangan ngayon,” sabi ni Locsin.

Halos parehas din ang naging reaksyon ng kapwa niya Kapamilya talent na si Pokwang at pinasaringan pa ang gobyerno.

“Totoo po ba walang magaganap na mass testing? As in wala? So kami na po bahala sa buhay namin ganern? Matira matibay na lang talaga? Salat po sa pagmamahal ha… Wooo sana 2022 na! Sarap bumoto uli!” banat ni Pokwang.

Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nilinaw ng tagapagsalita ng Pangulo na nagsasagawa ang Duterte Government ng expanded targeted testing. Pinaliwanag din ng Spokesperson na walang bansa ang nagsasagawa ng testing sa buong populasyon.

“Mayroon po tayong expanded target testing. Siyempre sa simula ay mahina po iyan dahil bago pa lang ang sakit na ito. Bago ang mga teknolohiya at laboratories para i-testing sa sakit na ito. Yes, kakaunti tayo nung nagsmila pero we are aiming for 30,000,” sabi ni Roque.

Ito po ang tugon ng ilang kababayan natin sa naging pahayag ni Locsin.

“Minsan nakakainis na dn mga banat ni Angel. Minsan nuod ka dn sa PTV para aware ka sa mga balita. Meron tau targeted testing at wala pang bansa sa mundo na nagcoconduct ng mass testing.” – P. Aquino.

“I am also for Pro Mass Testing Miss Angel kaso lang we have to look at the situation in a bigger perspective. Hindi masyado mayaman ang bansa natin kaya wala tayo budget talaga for that. Pero if kayong lahat ng mayayaman sa bansa ay siguro mgshare ng konti for the govt baka maibsan problema ng government natin. By the way, alam ko po na marami po kayo natulungan di lang ngayon but kahit noon paman. Yong ibig ko sabihin ay yong ibang mayayaman na takot mgbigay po.” – J. Un

Source: News5 | Archive | News5 | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: