Local News

Di Ako Pumapatol sa Usapang Bastusan – Leni

Matapos ang maanghang na social media post ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy “Boy” Locsin laban kay Vice President Leni Robredo dahil sa isyu ng diplomatic passports, nagsalita na rin mismo sa wakas si Robredo.

Para kay Leni, ayaw niya na lang daw patulan ang usapang bastusan.

“Sa akin naman, ever since hindi ako pumapatol kapag usapang bastusan. Sa akin, hindi naman ako nababawasan noon. Alam ng tao kung ano ang tama at ano iyong mali, kaya hindi ko na iyon pinapatulan,” sabi ni Leni.

Mas marami din daw na importanteng bagay na dapat gawin, ayon sa Bise Presidente.

“Ever since naman, nasa receiving end ako ng napakaraming unfair na accusations, nasa receiving end ako ng napakarming pambabastos. Kapag usaping na ganoon, ayakong patulan, Kasi mas maraming importanteng bagay na kailangan asikasuhin,” dagdag pa ni Leni.

Magugunitang tinawag ni Locsin na “Boba” si Robredo dahil sa naging komento nito sa balak ng DFA na ipakansela ang mga diplomatic passports matapos harangin sa Hong Kong si former DFA Secretary Albert Del Rosario kahit na mayroong itong diplomatic passports. Si Del Rosario ay isa sa naghain ng kaso laban kay Chinese President Xi Jinping. Ang Hong Kong ay teritoryo ng China.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa naging sagot ni Leni.

“Paano naging bastos Ang salitang boba? Lalung lalu na Kung Ito ay tutuo? Wala kalang maisip na depensa ukol dito,” sabi ni L. Punsalan.

“Hindi mo nga alam mg 40 x 4 =1600 hahaha. lagi ka kasi nakisawsaw sa isyu Robredo na wla kang alam, basta ka nlang ngakngak doon ngakngak dito,” sabi ni W. Garcia.

” Belib talaga ako pag c aling leni bumanat pabalik balik lang yung sinasabi kung ano ang nasabi nya sa unahan sasabihin nya ulit tapos medyo babaliktarin lang pero yun parin ang ibig sabihin hahaha…cguro magaling to sa essay nong nag aaral pa sya,” sabi ni F. Dandoy.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén