Local News

Di ako titigil sa paglaban sa kasamaang nakapaligid – ABS-CBN actor Enchong Dee!

Para kay Kapamilya actor Enchong Dee, hindi daw ngayon ang panahon para manahimik. Ayon sa ABS-CBN talent, handa daw siyang tumanggap ng batikos kung ang kapalit daw nito ay pumanig sa tamang bahagi ng kasaysayan.

“Hindi ako titigil sa pananalita laban sa kasamaan na pumapaligid sa atin. Being bashed is a small price to pay to be in the right side of history. Sa mga kasamahan ko sa ABS-CBN, kasama niyo ko hanggang sa muling magbukas ang tahanan natin. At sa mga kapwa ko artista, hindi ito ang oras para manahimik, maging totoo tayo sa salitang ‘Kapamilya’,” boladas ni Dee.

Ang ABS-CBN ay humarap sa matinding suliraning sa mga nakalipas na mga buwan. Magugunita na noong unang bahagi ng Mayo ay naglabas ng kautusan ang National Telecommunication Commission (NTC) para pahintuin ang Kapamilya network sa pag-ere dahil sa pasong prangkisa ng network.

Ilang linggo din nagkaroon ng mga pagdinig sa kongreso para talakayin ang legislative franchise ng ABS-CBN. At noong nakaraang Biyernes nga ay nagkaroon na ng botohan kung saan 70 na kongresista ang hindi pumayag na mabigyan ng prangkisa ang istasyon.

Ilan sa mga isyu na nakalkal sa mga congress hearings ay ang unfavorbale labor practices ng kumpanya, mga tax avoidance schemes, dual citizenship ni ABS-CBN Chairman Emeritus Gabby Lopez III at iba pa.

“It is what it is — a denial of a privilege granted by the State because the applicant was seen as undeserving of the grant of a legislative franchise. By no means can this franchise application be related to press freedom. If it were so, then all applicants for legislative franchises covering mass media could simply claim such freedom and force the hand of this Committee each time… It is what it is — a denial of a privilege granted by the State because the applicant was seen as undeserving of the grant of a legislative franchise. By no means can this franchise application be related to press freedom. If it were so, then all applicants for legislative franchises covering mass media could simply claim such freedom and force the hand of this Committee each time… Such a scenario is totally inconsistent with the nature of legislative franchises as a mere privilege and never a matter of right. Wherefore, in view of the foregoing, the technical working group respectfully recommends the DENIAL of the franchise application of ABS CBN Corporation,” sabi sa report ng Technical Working Group’s (TWG) Committee ng Kongreso.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: