Local News

“Di Dapat Namatay si Eddie Garcia kung Di Dahil sa Kapabayaan” – Sharon Cuneta

“Maraming salamat po, Mr. Eddie Garcia. Walang sinuman sa showbiz ngayon o kahit sa mga ipanganganak pa ang puedeng umupo sa tronong iniwan ninyo,”

Sa kanyang social media account, naglabas ng saloobin si Mega Star Sharon Cuneta sa pagpanaw ng batikang aktor na si Eddie Garcia.

Hindi daw dapat sumkabilang buhay ang aktor kung di daw dahil sa kapabayaan.

“He should not have died yet. Had there been no neglect of safety for the actors, he would have lived to more than 100,” sabi ni Cuneta

Wala naman pinangalanan si Cuneta sa kanyang Instagram post pero magugunita na ang naging sanhi ng pakamatay ni Garcia ay ang pagtumba nito sa set ng bagong programa niya sa GMA 7 na naging dahilan kaya nabalian sa leeg ang 90-anyos na aktor. Sa viral video na kumalat sa social media, makikita si Garcia na napatid ng isang kable habang nagte-taping sa kanyang bagong programa sa GMA7.

Sa hiwalay na social media post ni Cuneta, inalala nito ang kabutihan ni Garcia sa mga katrabaho nito sa industriya.

“Kokonti na lang ang mga artistang “old school” na napakalaki ng kontribusyon sa industriya at sa puso ng bawat Pilipino, at marunong trumato ng katrabaho ng tama, sikat man o “maliliit” ang tingin sa trabaho nila pero malaki naman talaga ang naibibigay sa ating mga artista,” pahayag ni Cuneta

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén