Local News

‘Hindi ko Gagayahin yun Kunwari ayaw Tumakbong Presidente pero Gusto!’ Isko, may Pinapatamaan ba?

Sa isang forum, isang estudyante ang nag tanong kay Manila Mayor Isko Moreno kung nagpaplano na ba nitong tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa 2022.

Ayon kay Mayor Isko, lahat naman ng politiko ay pinangarap na maging Presidente ng Pilipinas. Kaya kinokonsidera niya ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon, ngunit kailangan niya muna daw itong pag isipan ng mabuti. Para kay Mayor Isko, uunahin niya daw muna ang mas mahahalagang problema ng kanyang nasasakupan at sasagutin sa tamang panahon ang katanungan ng publiko.

“Lahat kaming mga politiko, the moment sinawsaw namin ang paa namin sa putik ng politika or sa kalsada ng politika lahat kami at the back of our mind wish to get to the highest position (President)… ,” sabi ni Mayor Isko.

Hindi niya daw tutularan ang ginawa ng ibang politiko na nagkunwari daw ng ayaw maging presidente pero tumakbo.

“Hindi ko gagawin yung kunwari ayaw (tumakbong Presidente) pero gusto, nabili na ‘yun eh, hindi ko kayo ilalagay sa waiting game, we have to be decisive with our decision,” ani Isko.

Walang binanggit na pangalan si Isko pero matatandaan na ilang ulit sinabi ni dating Davao City Mayor Rodrigo Roa Duterte noong 2015 na ayaw niyang maging Presidente pero kalaunan ay kumandidato rin para sa pagkapangulo.

“Yung lider na pipiliin natin ay hindi pwedeng magagalit-galitin, hindi pwedeng matatampu-tampuhin, hindi pwedeng may tantrums, hindi pwedeng divisive,” ani Isko.

Masaya din daw si Isko dahil kinokonsidera siya bilang isa sa mga posibleng maging susunod na pinuno ng Pilipinas.

“I swear to God thank you, akalain mo na basurero lang ako, maging Mayor lang ako ang laki ng blessing, not every garbage collector literally from the slum ay magiging Mayor tapos ngayon kinokonsider niyo ako (na maging Presidente) salamat sa inyo, I’m really grateful,” dagdag pa ng alkalde ng Maynila.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén