Local News

Di Pa Tapos ang Away? Bibigyan ng $3 Million ang Makapapatay kay Trump ayon sa Iranian Lawmaker!

Ayon sa ulat ng Iranian semi-official News agency (ISNA), nag-anunsyo ang isang mambabatas sa Iran na bibigyan ng gatimpalang $3 million ang sinumang makapapatay kay United States Presdient DOnald Trump.

“On behalf of people of Kerman province, we will pay 3 million dollar award in cash to whoever kills Trump,” sabi ni Ahmad Hamzeh,base sa ulat ng ISNA.

Ang Kerman ay ang bayan ni Iran Military Leader Qassem Soleimani na napaslang dahil sa US airtrikes na binigyan ng go-signal ni US President Donald Trump.

Dahil sa naging hakbang ng Estdos Unidos ay gumanti ang Iran at inatake naman ang base militar sa Iraq kung saan nakaposition ang mga tropa ng Amerika.

Magugunita na bago rumesbak ang Iran ay nagbanta si US President Trump na aatekhin nila ang 52 Iraninan cultural sites kung sakaling gumanti ang Iran.

“Let this serve as a WARNING that if Iran strikes any Americans, or American assets, we have………targeted 52 Iranian sites (representing the 52 American hostages taken by Iran many years ago), some at a very high level & important to Iran & the Iranian culture, and those targets, and Iran itself, WILL BE HIT VERY FAST AND VERY HARD…The USA wants no more threats!” banta ni US President Trump.

Matapos gumanti ang Iran, sinabi ni US Presdient Trump na bibigyan nila ng bagong sanction ang bansa sa Gitnang Silangan.

Naniniwala naman si Hamzeh na dapat ng gumawa ng mga nuclear weapons ang Iran upang protektahan ang sarili nito.

“If we had nuclear weapons today we would be protected from threats … We should put the production of long-range missiles capable of carrying unconventional warheads on our agenda. This is our natural right,” dagdag pa ng mamababatas.

Hindi naman nilinaw ng mambabatas mula sa Iran kung ang kanyang anunsyo ay suportado ng Iran’s clerical rulers.

Source: ABS-CBN | Al Jazeera | CNN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén