Local News

‘Di sila ready kay mommy!’ Anak ni Leni, Nag-React sa Pagkaka-Sibak sa kanyang Nanay!

Kagabi ay inanunsyo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pagsibak kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ilan sa mga raason ng Malacañang ay ang hindi pakikipag-usap ni Robredo sa mga biktima ng mga adik, sa halip ay nakipagpulong pa ito sa mga opisyal ng United Nations at American Embassy.

“Marami siyang missteps. Kinakausap niya ‘yung hindi dapat kinakausap. Sa halip na kausapin niya ‘yung mga kababayan niya. She would have gone to the localities and communities kung ano ang problema nila sa drugs. Ang kinakausap niya ay ‘yung United Nations at mga Amerikano,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Panelo.

Hindi rin daw nagustuhan ng Malacañang ang paghahamon ni Robredo kay Pangulong Duterte na siya ay sibakin sa pwesto.

“Hinihingi ng President ng Liberal Party na si Francis Pangilinan na sisantihin na lang si VP Leni. So pinagbigyan siya ng Presidente. More importantly, it’s VP Leni herself asking the President to fire her… Medyo rude pa nga ang ginawa niya. You don’t talk that way to the person appointing you to the position… Marami ka na ngang missteps, eh ikaw pa ang nagmamalaki,” banat pa ni Presidential Spokesperson Panelo.

Sa kanyang social media account ay nagbigay ng reaksyon ang anak ni Robredo na si Tricia sa sina;pit ng kanyang ina. Ayon kay Tricia, halatang hindi daw handa ang Duterte Government sa kanyang ina.

“VPLGR: ‘Tinatanong nila ako, handa na ba ako sa trabaho na ito. Ang tanong ko – handa ba kayo para sa akin?’ Evidently, they weren’t,” sabi ni Tricia.

Si Vice Presidente Robredo ay itinalaga ni Pangulong Duterte sa ICAD dahil sa palagian nitong pagbatikos sa kampanya ng pamahalaan labans a droga. Matatandaang sa isang panayam ay sinabi ni Robredo na palpak ang war on drugs at dapat na itong ihinto. Pero hindi pa tumatagal ng isang buwan sa pwesto ay tinanggal na ito.

Source: Politiko

Leave a Reply

Theme by Anders Norén