Local News

“Dilawan style ng patutsada!” Isko, Sinoplak ng Professor!

Sa kaniyang social media account, binoljak ni Professor Van Ybiernas ang mga patutsada ni Manila Mayor Isko Moreno sa ibang politiko. Ayon sa propesor, istilo ng dilawan ang ginagawa ni Isko at hinamon din nito ang alkalde na pangalanan ang binabanatan nito.

“Dilawan style ang patutsada.
Pare parehas lang naman kayo pulitiko. Deretsuhin mo na yung tinutukoy mo. Huwag yung puro innuendo. Hahaha.
Sure marami ang hindi pinapangalanan sa wall ko kasi hindi naman sila public figures. Pero kapag public figure walang dahilan para hindi pangalanan. Hahaha.
Saka di mo problema kung yung ibang meyor ay nag-iikot ikot man. Problema ng constituents nila yun.
Pero I suppose okay lang sa kanilang constituents na sunod sunod na presidente kung sakali ang mga meyor nila. Samantalang sunod sunod na trapo naman ang sa Maynila. Hahaha,”
banat ni Ybiernas.

Magugunita na pinasaringan ni Isko ang ilang politiko na nag-iikot sa iba’t-ibang lugar imbes na bantayan ang sariling lungsod.

Walang pinangalanan si Isko sa kaniyang boladas pero tanging si Davao City Mayor Sara Duterte ang napaulat na bumibisita sa mga kapwa politiko.

Source: Prof Ybiernas

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: