Local News

DILG, Balak Kasuhan ang ABS-CBN’s “Ang Probinsyano”!

“We will seriously consider filing legal action and imposing sanctions,”

Posibleng malagay sa alanganin ang teleserye ng ABS-CBN na “Ang Probinsyano” dahil pinag-iisipan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magsampa ng kaso laban sa mga producers ng nasabing programa. Ito ay dahil sa hindi maayos na pagsasalarawan ng teleserye sa kapulisan. Isa pa sa tinitignan na anggulo ay ang paggamit ng programa sa uniporme, sasakyan at acronym ng Philippine National police (PNP), ayon kay DILG Spokesperson Jonatahan Malaya. Dagdag pa ni Malaya, maaring nalabag din ng programa ang Children’s Television Act of 1997.

Sa isang pahayag naman, sinabi ng ABS-CBN na ang programa ang produkto ng kathang i-isip lamang at walang intensyon na siraan ang anumang organisasyon.

“There is no intention to smear the reputation of any organization or portray any person in a negative light. The program has also portrayed its main character, Cardo, as a hardworking police officer dedicated to saving lives and serving his fellowmen,” pajhayg ng ABS-CBN

Para naman kay DILG Secretary Eduardo Año, mukhang intensyonal umano ang mensaheng inihahatid ng programa sa publiko.

“Hindi namin sinasabi na lubos na malinis ang PNP. We have a few bad eggs but they are never tolerated and the DILG and PNP leadership is sweeping the ranks of the police organization to ensure that those ‘rotten tomatoes’ will be out of service,” sabi ni Año.

Panoorin ang naging panayam ni dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson kay PNP Chief Oscar Albayalde tungkol sa isyu na ito.

Kung kayo ang tatanungin, pabor ba kayo na kasuhan ang mga producers ng “Ang Probinsyano”?

Source: ABS-CBN

Leave a Reply