Local News

DILG, Ipinahuhuli sa PNP ang mga Nagba-Bandalismo! Mga Nambaboy sa Underpass, Paparusahan!

Sa pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, binanatan nito ang ginawa ng mga aktibista na pambababoy sa bagong linis na underpass a Maynila.

“Hindi na nga kayo nakakatulong, huwag na sanang mamerwisyo pa ng iba”. resbak ni Malaya.

Giit naman ng Panday Sining, ang grupong responsable sa pambababoy sa underpass, ang ginawa daw nila ay isang uri ng sining at inilalabas lang daw nila ang kanilang hinaing at sentimiyento laban sa gobyerno sa pamamagitan nito.

Buwelta naman ng opisyal ng DILG, may limitasyon ang freedom of speech. May ibang paraan para maglabas ng hinaing. Maari naman daw gamitin ang social media upang ipahayag ang mga saloobin.

“While we respect the rights of these organization to express their views and opinion, that right is not absolute. Ang karapatan ay may hangganan at kaakibat na responsibilidad… With the advent of social media, vandalism like this has directed attention to the obnoxiousness of their method rather than the meaning of their message,” birada ni DILG Usec. Malaya.

Imbes din daw na mamerwisyo at mambaboy ng mga goverment properties, dapat daw ay itinuon na lang ng mga aktibista ang kanilang atensyon sa pagtulong.

“these organizations to instead focus their energies to cleaning up their barangays, Manila Bay Clean Up, anti-smoking campaign and other worthwhile activities rather than doing vandalism that actually helps no one,” ayon pa kay DILG Usec. Malaya.

Inutusan naman na ni Usec. Malaya ang mga Local Government Units (LGUs) na mahigpit na ipatupad ang batas laban sa bandalismo upang mapanagot ang mga may sala.

“revisit and ensure the implementation of their ordinances sanctioning vandalism and to make use of their closed-circuit television (CCTV) cameras in identifying and catching vandals”. ani DILG Usec. Malaya.

Hiniling na rin ni Usec. Malaya sa Philippine National Police (PNP) na huliin ang sinumang magsasagawa ng bandalismo.

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: