Local News

‘Dinuktor ang Video mo? Nag-uulyanin ka na!’ Ka Eric, Sinupalpal si Joma!

Sa panayam ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Joma Sison sa ANC, sinabi nito na dinuktor o pinagtagpi-tagpi daw ang video niya kung saan sinabi umano niya na ang Gabriela, ACT Teachers, KMU, Bayan at iba pa ay mga legal democratic forces ng kilusan ng mga komunista. Ang naturang video ay ipinakita ng pwersa ng gobyerno sa isinagwang senate hearing ukol sa red-tagging. Lumabas din sa pagdinig ng senado ang ilanpang mga kabalbalan na nangyayari sa loob ng makakaliwang kilusan, tulad ng panghahalay ng mga kumander sa mga bagong NPA at ang kabrutalan ng mga NPA sa mga pwersa ng gobyerno.

Ang palusot na ito ni Sison ay agad sinupalpal ni Jeffrey Celis o Ka Eric. Si Ka Eric ang nagpapakilalang dating cadre ng NPA na nagbalik-loob na sa gobyerno at nagsisiwalat ngayon ng kabaluktutan ng mga rebeldeng komunista. Ayon kay Ka Eric, nag-uulyanin na daw si Sison at namumuhay pa rin daw ito sa nakaraan.

“Napakalinaw na po ang status ni Joma Sison. His state of mind is ulyanin na talaga. Incoherent at inconsistent sa mga sagot niya sa mga tanong. It is very obvious. Number 2, Nabubuhay si Joma Sison sa 40 years ago na pagtingin na akala niya na ang CPP-NDF ay nabubuhay pa sa panahong nagbubuo ng mga guerilla zone at base,” sabi ni Ka Eric.

“Hindi niya raw sinabi na bahagi ang mga ito (leftist organizations) ng CPP-NPA-NDF. Very simple lang ang sagot, kung hindi bahagi ng CPP-NPA-NDF ang Gabriela, ACT Teachers, LFS, KMU, KMP, Bagong Alyansang Makabayan, sa dinami-dami at libo-libong organisasyon sa Pilipinas, bakit ito pa ang binanggit niya kung hindi ito sa kanya?” dagdag pa ni Ka Eric.

Source: Up Up Pilipinas

Leave a Reply

Theme by Anders Norén