Local News

Panoorin: DOH Official, Hinamon ni Raffy Tulfo!

Source: RTIA

Sa kaniyang programa, hindi nakapagpigil ang mamamahayag na si Raffy TUlfo na tawagin ang atensyon ni Department of Health Official Eric Domingo dahil sa kawalan umano ng aksyon.

Ayon kay Tulfo, naging tampok sa kaniyang programa ang ilang gamot na bawal. Nag test-buy na rin daw ang Food and Drug Administration pero wala umano daw ginawa ang mga ito kundi mag press release.

“Director General Eric DOmingo, ‘yung pinalitan niyo po ay natanggal dahil sa mga expose ko, kaya ikaw ang pinalit… Dapat nag raid muna kayo at i-prisenta niyo sa publiko, saka mag-press release… Pero ang ginagawa niyo diyan ay nagdadadakdak, sinasabi niyo na ito ay iligal at masama sa kalusugan. And yet, you are not doing anything. Now, I challenge you, i-raid niyo, kumpiskahin niyo, dahil kung hindi niyo ito kinumpiska, ibig sabihin, alam niyo na,” sabi ni Tulfo.

Nakausap din ni Tulfo ang isa pang FDA official upang hingin ang kanilang panig sa isyu.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén